13.5 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Department of Tourism, ilulunsad na Pilot Tourism ang lalawigang Ilocos Norte

Ilulunsad ng Department of Tourism na pilot tourism ang Ilocos Norte sa ipinahayag ni Kalihim Christina Garcia-Frasco na ang Department of Tourism (DOT) ay masigasig na ilulunsad ang “Tourism Rest Areas” sa Ilocos Norte ayon sa pakikipagpulong niya kay Hon. Matthew Marcos Manotoc, Governor ng Ilocos Norte sa Makati City kamakailan.

Kasama ni Gob. Marcos Manotoc ang Provincial Tourism Officer, Mx. Aian Raquel, na nagprisinta sa Kalihim ng kasalukuyang mga programa sa turismo ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte, partikular na ang mga pangunguna nitong pandemic recovery programs, mahahalagang imprastraktura at pagpapaunlad ng produkto, ang updated na Ilocos Norte tourism masterplan, gayundin ang marketing at promotion initiatives.

Ayon kay Hon. Gobernador Matthew Marcos Manotoc, ito ay bahagi ng mga pagpapaunlad ng turismo ng departamento para sa mga turista na makapagpahinga at isang sentro ng kalakalan para sa mga lokal na kalakal.

Ayon pa kay Hon. Gobernor Manotoc, kinonsulta din ni Sec. Garcia Frasco at Undersecretaries Ferdinand C. Jumapao at Verna Esmeralda Buensuceso sa pagbibigay-prayoridad sa ilang proyekto sa pagpapaunlad ng turismo na isinumite ng tanggapan noon.

Samantala, binigyang-diin ni Mx. Raquel ang mga nagawa kamakailan ng Ilocos Norte Tourism Office, partikular ang kanilang pagsisikap na gawing una at tanging probinsya ang Ilocos Norte na nakatanggap ng ligtas na travel stamp mula sa World Travel and Tourism Council, ang multi-million funded Tourism Livelihood Continuity Program, ang development ng mga bagong atraksyong panturista tulad ng Paoay Lake Water Park at mga art installation sa Paoay Sand Dunes, at ang kanilang partisipasyon sa Philippine Travel Mart, kung saan nakapagtala ang lalawigan ng hindi bababa sa Php9.5 milyon na potensyal na benta.

Bukod pa rito, ipinakilala ni Gov. Marcos Manotoc ang ilang mga paparating na lokal na kaganapan, partikular na ang muling pagbubukas ng Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium at ang pagbabalik ng “Tan-ok ni Ilocano Festival of Festivals” sa susunod na taon.

Sa pamumuno ni Gov. Marcos Manotoc, nananatiling prayoridad ng kanyang administrasyon ang mga bagong programa at partnership para mailagay ang Ilocos Norte sa mga pangunahing destinasyon ng turista sa bansa dahil umaasa sa industriya ng turismo ang kabuhayan ng libu-libong Ilokano.

Source: Provincial Government of Ilocos Norte

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles