Nakiisa sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang buong Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa probinsya ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte nito lamang Huwebes, ika-09 ng Marso 2023.
Duck, Cover, at Hold, iyan ang ginawa ng mga kawani nang marinig ang emergency alarm, pagkatapos ay kalmadong lumabas sa gusali ang mga empleyado ng DSWD FO 1.
Layunin ng naturang aktibidad na paigtingin ang pagiging alerto at kahandaan ng DSWD FO 1 sa pagharap sa mga sitwasyon tulad ng lindol, panganib at krisis, at iba pang kalamidad na maaaring mangyari anumang oras.