15.6 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Department of Agriculture Regional Field Office I, namahagi ng Fertilizer Discount Voucher

Namahagi ang Department of Agriculture – Regional Field Office I ng fertilizer discount voucher sa 230 rice farmers mula sa Lungsod ng Batac nito lamang Biyernes, ika-7 ng Oktubre 2022.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Hon. Windell D. Chua, Vice Mayor ng City of Batac, Ilocos Norte kasama ang ilang SP Members, at pinangasiwaan ng City Agriculture Office na ginanap sa Tabug Community Center sa nasabing lungsod.

Ayon kay Hon. Vice Mayor Chua, layunin ng programa na matiyak ang napapanahong pagkakaroon ng kinakailangang pataba para sa produksyon ng palay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pataba.

Ayon pa kay Hon. Vice Mayor Chua, “ang mga magsasaka na nakarehistro sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) namay mga nakatayong pananim na palay ay karapat-dapat na tumanggap ng fertilizer rice voucher. Ang mga discount voucher ay maaaring kunin ng mga farmer-beneficiaries mula sa mga akreditadong merchant,” aniya.

Dagdag nito, ayon sa City Agriculture Office, may isa pang batch ng recipients na ida-download ng Department of Agriculture – Regional Field Office I na mabibigyan din ng benepisyo.

Samantala, ang naturang programa ng Department of Agriculture ay nakabase sa Memorandum Circular No. 14, Series 2021 “Implementing Guidelines for the National Rice Program -Fertilizer Discount Voucher to Rice Farmers” na nilagdaan ni William D. Dar, DA Secretary.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles