Umarangkada ang Dental Mission ng Pamahalaang Lokal ng San Marcelino na isinagawa sa San Marcelino District Hospital, San Marcelino, Zambales nitong Huwebes, ika-6 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ni Hon. Jon Khonghun, Mayor ng naturang lugar, ang nasabing programa katuwang ang mga kawani ng Municipal Health Office ng Subic.
Sa naisagawang aktibidad, nagkaroon ng dental check-ups, extraction, cleaning at iba pang serbisyong dental para sa mga residente.
Ang pamahalaang bayan ng San Marcelino, ay sinisigurong makapagbigay ng tamang serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga lubos na nangangailangan sa kanilang nasasakupan.