21.7 C
Baguio City
Monday, October 21, 2024
spot_img

Dating rebelde, nagbalik-loob sa gobyerno sa Nueva Ecija

Binawi ng dating rebelde ang kanyang suporta sa CPP-NPA-NDF at isinuko ang mga armas sa mga awtoridad sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Martes, ika-6 ng Disyembre 2022.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang nasabing rebelde ay dating miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya Sierra Madre at residente ng Paniqui Tarlac.

Kaugnay dito, kasabay ng kanyang pagbabalik-loob ang kanyang pagsuko ng isang converted caliber 22 rifle, apat na pirasong bala ng calibre 22 at isang hand grenade.

Samantala, binigyan ng awtoridad ang dating rebelde ng mga grocery packs.

Patuloy ang ating pamahalaan sa paghihikayat sa mga mamamayan na magkaisa at iwaksi ang karahasang dulot ng terorismo sa bansa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles