Binawi ng dating rebelde ang kanyang suporta sa CPP-NPA-NDF at isinuko ang mga armas sa mga awtoridad sa Brgy. Guinhawa, City ng Malolos, Bulacan nito lamang Sabado, ika-17 ng Disyembre 2022.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Dan”, 63, tricycle driver at dating miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan.
Kaugnay dito, kasabay ng kanyang pagbabalik-loob ang kanyang pagsuko ng isang cal. 38, anim na bala at isang MK2 hand grenade.
Patuloy ang ating pamahalaan sa paghihikayat sa mga mamamayan na magkaisa at iwaksi ang karahasang dulot ng terorismo sa bansa.