Nagbalik-loob sa pamahalaan ang dating miyembro ng rebeldeng grupo sa San Rafael, Bulacan nito lamang Huwebes, Enero 26, 2023.
Kinilala ng mga awtoridad ang nasabing rebelde na si alyas “Ka Brando”, 50 anyos, dating miyembro ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan, CPP-NPA.
Patuloy ang ating pamahalaan sa paghihikayat sa mga mamamayan na magkaisa at iwaksi ang karahasang dulot ng terorismo sa bansa.