18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Dating miyembro ng teroristang grupo nagbalik-loob sa gobyerno ng Aurora

Nagbalik-loob sa gobyerno ng Aurora ang dating miyembro ng CPP-NPA-NDF sa Barangay Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang ika-20 ng Hulyo 2022.

Kinilala ang nagbalik-loob na si Ka Ricky, isang dating miyembro ng Militiang Bayan na residente din ng Dipaculao, Aurora.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagtutulungan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang Aurora Provincial Intelligence Unit, Municipal Police Stations of Dinalungan, Casiguran, Dilasag at 91st Infantry Battalion-Philippine Army.

Ang pagsuko sa gobyerno ng dating rebelde ay patunay lamang na patuloy na pinapaigting ang kampanya laban sa insurhensya para iwanan ng mga miyembro ang teroristang grupo at ang baluktot na ideolohiya nito at mamuhay ng tahimik at maayos sa piling ng pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles