18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Dating miyembro ng NPA, boluntaryong sumuko sa gobyerno ng Mountain Province

Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng New People’s Army sa Camp 1Lt Geronimo F. Montes, Poblacion, Bontoc, Mountain Province nito lamang ika-15 ng Hulyo 2022.

Ang sumukong rebelde ay isang lalaki, 31, tubong Daulan Tonglayan, Natonin, Mt. Province, residente ng Sto. Domingo, Alfonso Lista, Ifugao at dating miyembro ng WCL, Komiteng Larangang Guerilla Marco sa ilalim ng Mountain Province PPO COPLAN Enervate-22.

Boluntaryong sumuko ang nasabing rebelde kasabay ang isang Revolver Caliber .38 na may tatlong ammunitions ng pinagsamang operatiba ng 2nd Mountain Province PMFC, 1st Mountain Province PMFC, Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit Mountain Province PPO, Alfonso Lista MPS, Regional Intelligence Division PROCOR, Paracelis MPS, Regional Intelligence Unit-14,Natonin MPS, 2nd Ifugao PMFC, 1502nd RMFB-15, 145 Special Action Company, 14 Special Action Battalion (SAF), Naval Intelligence and Security Group – Northern Luzon (NISG-NL), National Intelligence Coordinating Agency CAR, 69 Infantry Battalion, 7th Infantry Division, 503rd Brigade, 53rd MICO, 5MIB and 50IB, 5thID, at Philippine Army.

Sa tulong ng mga kapulisan at iba pang ahensya, unti-unting naipapakita at naipapadama sa mga dating rebelde ang magandang balita para sa mga gustong magbalik-loob sa gobyerno.

Muli ipinapaalala sa mga kababayan lalo na sa kapatid na namumundok pa, na ang gobyerno ay bukas at buong pusong tatanggapin ang mga nasabing rebelde para sa kapayapaan at kaunlaran ng lipunan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles