20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Dating Miyembro ng Milisyang Bayan nagbalik-loob sa gobyerno ng Nueva Ecija

Nagbalik-loob sa gobyerno ang isang lalaki na miyembro ng Milisyang Bayan sa bayan ng Nueva Ecija nito lamang ika-15 ng Hulyo 2022.

Kinilala ang sumuko na si “Ka Awang”, 43, nagtatrabaho sa pamahalaang lokal ng Nueva Ecija, residente ng Barangay Malasin, San Jose City, Nueva Ecija at dating rebelde sa ilalim ng Josefino Corpuz Command mula taong 2004-2005.

Boluntaryong sumuko si Ka Awang sa pinagsanib na puwersa ng tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 3, 303rd Mechanized Company Regional Mobile Force Battalion 3, 84th Infantry Battalion Philippine Army, San Jose City PS, Science City of Muñoz PS, Guimba PS, Rizal PS, Llanera PS, Carranglan PS, Lupao PS, Nampicuan PS, Quezon PS, Licab PS, Talugtug PS, Talavera PS, Pantabangan PS at Aliaga PS.

Kasabay din nito ang pagsuko niya ng Caliber 357 revolver na walang serial number, tatlong bala at isang Granada.

Si Ka Awang ay inaasahang makakatanggap ng cash incentives at livelihood program mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng pamahalaan.

Ang pagsuko sa gobyerno ng dating rebelde ay patunay lamang na patuloy na pinapaigting ang kampanya laban sa insurhensya para iwanan ng mga miyembro ang teroristang grupo at ang baluktot na ideolohiya nito at mamuhay ng tahimik at maayos sa piling ng pamilya.

Source: Nueva Ecija PPO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles