13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Dating miyembro ng CTG, sumuko sa gobyerno ng Nueva Vizcaya

Sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Brgy. Binuangan, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya noong Mayo 3, 2022.

Kinilala ang sumuko na si Willy Delian y Salibad, dating miyembro ng Kilusang Larangan Guerilla Caraballo (KLG CARABALLO), 37, may-asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sumuko si Delian sa pagkakaisa at pagsisikap ng Dupax del Norte Police Station, Tracker team ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company, Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit.

Ayon kay Delian, siya ay nirecruit noong 2016 ni alyas Rasul, isang CTG leader na nagpapatakbo ng KLG CARABALLO sa Giayan, Nagtipunan, Quirino.

Ang kanyang bahay ay nagsisilbing pahingahan ng mga rebelde.

Siya rin ang itinalaga bilang food runner at contact person laban sa tropa ng gobyerno sa lugar na iyon.

Inamin ni Delian na sinanay siya ng isang alyas Gwen kung paano magsagawa ng accupuncture.

Alinsunod dito, iniwan din nila sa kanya ang isang yunit ng M16 rifle sa kanyang pag-iingat sa loob ng halos isang taon at pagkamatay ni Rasul ay nabawi ng isang Samuel ang nasabing firearm.

Ang pagsuko ng dating rebelde ay patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya laban sa terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Source: Dupax Del Norte Police Station

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles