15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Dating miyembro ng CTG nagbalik-loob sa Ilocos Sur

Nagbalik-loob sa gobyerno ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa San Emilio, Ilocos Sur nito lamang ika-31 ng Mayo 2022.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Tirso” na umanib sa teroristang grupo taong 1983 at naging dating tagapamahala at tagahatid ng pagkain, sulat at medical supplies sa Tubo, Abra na pinagkalooban ng baril taong 2000.

Sumuko si alyas “Tirso” sa mga tauhan ng 7th Infantry ‘Kaugnay’ Division Infantry Battalion, Philippine Army at kasabay nito ay ang pagsuko rin niya ng isang Elisco M653 rifle sa Brgy. Matibuey, San Emilio, Ilocos Sur.

Siya ay sasailalim sa debriefing at pagkakalap ng mga kaukulang impormasyon na makakatulong sa mga gagawin pang operasyon ng gobyerno.

Ayon kay Major General Andrew Costelo, 7ID Commander, ang pagsuko ng mga CTG ay tanda lamang ng kanilang pagtitiwala, kompiyansa at bilang pagsuporta sa kampanya ng gobyerno kontra terrorismo. Ito ay para na rin mabigyan sila ng pagkakataong mabago ang kanilang buhay kapiling ang pamilya at tuluyang talikuran ang maling ideolohiya ng makakaliwang grupo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles