21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Dating miyembro ng CTG, boluntaryong sumuko sa Vintar, Ilocos Norte

Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Vintar, Ilocos Norte nito lamang Lunes, Hulyo 11, 2022.

Kinilala ang sumuko na si Ka Juanito, 59, residente ng Brgy. 26, Canaam, Vintar, Ilocos Norte at dating miyembro ng Magsurog Julian.

Boluntaryong sumuko si Ka Juanito sa pinagsanib na tauhan ng Vintar Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit, Ilocos Norte Provincial Police Office, 1st Regional Mobile Force Battalion Company, Regional Intelligence Division 1, Regional Intelligence Unit 1, 1st Provincial Mobile Force Company Ilocos Norte Police Provincial Office.

Isinuko din ni Ka Juanito ang kanyang armas na isang long barreled 12-gauge shotgun.

Ang pagsuko sa gobyerno ng dating rebelde ay patunay lamang na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya kontra terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF- ELCAC.

Layunin nitong ituwid ang naligaw ng landas ng mga dating miyembro ng CTG laban sa mga mapanlinlang na estratehiya ng mga makakaliwang organisasyon at tuluyan ng mawakasan ang insurhensya sa rehiyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles