18.8 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Dating miyembro ng CTG, boluntaryong sumuko sa Langiden, Abra

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Calunay, Brgy. Malapaao, Langiden, Abra nito lamang ika-9 ng Pebrero 2023.

Kinilala ng mga awtoridad ang sumuko na isang lalaki, 52 anyos at residente ng nasabing barangay.

Ang sumukong CTG ay dating miyembro ng Lumbaya Company ng NPA Abra Provincial Command, Non-PSRTG Listed na kumikilos sa mga Munisipalidad ng Tineg, Lacub, at Malibcong.

Batay sa ulat, sumuko ang rebelde sa mga tauhan ng Regional Intelligence Unit-14, Regional Intelligence Division PROCOR, Langiden PNP, PIU/DEU ABRA, 1st and 2nd PMFC, RMFB 1504th MC, 24th IB PA, 71st IB Philippine Army, at PECU – Abra.

Ang pagsuko ay resulta ng mga isinasagawang serye ng negosasyon at pangungumbinsi ng pamahalaan katuwang ang PNP sa mga aktibong miyembro at tagasuporta ng CTG.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles