20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Dating miyembro ng CTG boluntaryong sumuko sa Gobyerno ng Rehiyon 1

Sumuko sa gobyerno ng Rehiyon 1 ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa San Quintin, Pangasinan noong Huwebes, Hulyo 21, 2022.

Kinilala ang sumuko na si “Ka Payat”, 56, residente ng Carayacan, San Quintin, Pangasinan, dating Tax Collector/Courier at miyembro ng NPA-NDF, Eastern Pangasinan Caraballo Regional Party Committee.

Boluntaryong sumuko si “Ka Payat” sa pinagsanib na tauhan ng Regional Intelligence Division PRO1, Regional Intelligence Unit 1, Provincial Intelligence Unit, 104th Regional Maneuver Force Battalion at 102nd Provincial Maneuver Force Company.

Ang pagsuko ng mga dating rebelde ay patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya kontra terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF- ELCAC.

Layunin nitong mabigyan ng mga pangunahing serbisyo ng gobyerno ang mga mamamayang nalilihis ang landas dahil sa matamis na pangako ng mga terorismo at ipadama na mas tahimik at maayos ang buhay kapiling ang pamilya kung sila ay sumuko.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles