21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Dating miyembro ng CTG, boluntaryong sumuko sa gobyerno ng Ilocos Norte

Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Vintar, Ilocos Norte nito lamang Martes, Hulyo 12, 2022.

Kinilala ang sumuko na si Pedro Irorita y Agustin, 54, dating miyembro ng Alyansa sa Masa,  residente ng Brgy. #14 Ester, Vintar, Ilocos Norte.

Boluntaryong sumuko si Agustin sa pinagsanib na tauhan ng Vintar Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit, Ilocos Norte Provincial Police Office.

Ang pagsuko sa gobyerno ng dating rebelde ay patunay lamang na ang PNP ay patuloy na pinapaigting ang kampanya laban sa insurhensya para iwanan ng mga miyembro ng teroristang grupo at ang baluktot na ideolohiya nito at mamuhay ng tahimik at maayos sa piling ng pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles