Nagbalik-loob sa gobyerno ang dating miyembro ng CPP-NPA-NDF sa siyudad ng San Jose, Nueva Ecija nito lamang ika-26 ng Agosto 2022.
Kinilala ng Nueva Ecija Police Provincial Office ang sumuko na si “Ka Arthur”, tumatayong Squad S4 sa ilalim ng Josefhino Corpuz Command, residente ng nasabing lugar at nagsasagawa ng operasyon sa naturang lalawigan.
Kasabay ng pagbabalik-loob ni “Ka Arthur” ay ang pagsuko niya ng 12 Gauge Home-Made shotgun at bala.
Ang pagbabalik-loob ng dating rebelde ay bunga ng pagtutulungan ng Philippine National Police, Philippine Army at Local Government Unit.
xxx