16.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Dating miyembro ng Communist Terrorist Group sumuko sa Ilocos Sur

Sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Nagbukel, Ilocos Sur nito lamang Biyernes, Hulyo 15, 2022.

Kinilala ang sumuko na si “Ka Jhonny”, 43, residente ng Sitio Ariola, Brgy. Taleb, Nagbukel, Ilocos Sur, at dating miyembro ng TUMANA (Timpuyog ti Umili nga Mannalon iti a Nagbukel) na kaakibat naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Boluntaryong sumuko si “Ka Jhonny” sa pinagsanib na tauhan ng Regional Intelligence Unit 1, Provincial Intelligence Unit, Provincial Intelligence Team – Ilocos Sur, 103rd Mobile Company Regional Mobile Force Battalion 1, 1st and 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company.

Sumailalim naman si “Ka Jhonny” sa debriefing process kung saan itatalaga siya bilang miyembro ng Barangay Information Network (BIN) upang maging katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang lugar.

Ang pagsuko sa gobyerno ng mga dating rebelde ay nagpapakita lamang ng magandang resulta ng pursigidong pagkumbinsi ng pamahalaan at kapulisan sa rehiyon sa mga teroristang grupo at patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya laban sa terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles