Sumuko ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa gobyerno ng Ilocos Norte nitong ika-23 ng Hunyo, 2022.
Kinilala ni Police Major Jayson R Batuyong, Acting Force Commander ng 2nd Ilocos Norte Provincial Mobile Force Battalion ang sumuko na si alyas “Ka Gorio”, 38, residente Marcos, Ilocos Norte.
Sumuko si Ka Gorio sa pinagsanib na puwersa ng 2nd Ilocos Norte Provincial Mobile Force Battalion, Marcos Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Ilocos Norte Police Provincial Office, 101st Regional Mobile Force Company at Regional Intelligence Unit.
Isinuko din ni Ka Gorio ang isang calibre .357 na walang serial number at apat na bala nito.
Si Ka Gorio ay kasalukuyang nasa kustodiya ng 2nd INPMFC at sumasailalim sa debriefing process.
Ang pagsuko ni Ka Gorio ay tanda ng epektibong pakikipagnegosasyon ng mga otoridad sa mga nawawala sa landas upang maging mapanuri at makapagdesisyon ng tama kontra sa mga mapanlinlang na estratehiya ng mga makakaliwang organisasyon.
Panulat ni: Malayang Kaisipan