23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Dating miyembro ng Communist Terrorist Group, boluntaryong sumuko sa gobyerno ng La Union

Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Agoo, La Union nito lamang Huwebes, Agosto 4, 2022.

Kinilala ang sumuko na si “Ka Helen”, 45, residente ng San Nicolas West, Agoo, La Union at dating miyembro ng TIMEK (Timek Ken Namnama Dagiti Babassit A Mangngalap ti La Union) Agoo Chapter.

Boluntaryong sumuko si “Ka Helen” sa pinagsanib na tauhan ng Regional Intelligence Division, Regional Intelligence Unit 1, Provincial Intelligence Team – La Union, 2nd La Union Provincial Mobile Company, Technical Support Company- Regional Mobile Force Battalion 1.

Sumailalim nman si “Ka Helen” sa debriefing process kung saan itatalaga siya bilang miyembro ng Barangay Information Network (BIN) upang maging katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang lugar.

Ang pagsuko sa gobyerno ng dating rebelde ay nagpapakita lamang ng magandang resulta ng pursigidong pagkumbinsi ng pamahalaan at kapulisan sa rehiyon sa mga teroristang grupo at patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya laban sa terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Source: Agoo Police Station/ 2nd LUPMFC

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles