Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang dating miyembro ng Communist Front Organization (CFO) sa RMFB 1502nd Headquarters, Babalaan, Poblacion, Tadian, Mt. Province nito lamang Martes, ika-20 ng Disyembre 2022.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Maria”, 52 at residente ng Pasay City.
Napag-alaman na naging aktibong miyembro si alyas “Maria” ng Cordillera People’s Democratic Front (CPDF) mula 1987 hanggang 2018 na nakabase sa rehiyon ng Cordillera at Cagayan Valley.
Batay sa ulat, matagumpay na napasuko ang dating rebelde dahil sa serye ng negosasyon na pinangunahan ng 1502nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 15, Benguet PNP, Mt. Province PNP at Armed Forces of the Philippines.
Patuloy ang paghihikayat ng gobyerno sa mga natitirang miyembro ng komunistang grupo na sumuko upang makapiling ang kanilang pamilya ng payapa at ligtas ngayong darating na pasko.