Bumisita kamakailan ang dating Department of Agriculture Secretary na si William Dar sa mga Tobacco Farmers sa Brgy. Codoog, Narvacan, Ilocos Sur kasama si National Tobacco Administration (NTA) Administrator Belinda Sanchez at mga ibang Executives ng NTA at Universal Leaf Philippines, Incorporated.
Sa nasabing pagbisita ay pinuri ni Sec. William Dar ang matataas na kalidad ng mga tabakong tanim ng mga magsasaka.
Sa pakikipag-usap sa mga magsasaka ay sinabi niyang dapat panatilihin ang ganitong kataas na kalidad para sa mas mataas na kita.
Ayon pa sa dating kalihim, walang rason na hindi magiging maganda ang ani ng mga magsasaka dahil buo ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Narvacan sa pangunguna ni Mayor Pablito Sanidad.
Kanya ring binanggit ang mga Farm Inputs at Technical Support ng NTA at ULPI.
Ang dating Kalihim ay tubong Sta. Maria, Ilocos Sur na karatig-bayan ng Narvacan.
Source: Narvacan Naisangsangayan