22.3 C
Baguio City
Friday, October 4, 2024
spot_img

Dancing Fountain sa Narvacan, Ilocos Sur, binuksan na

Narvacan, Ilocos Sur – Pormal nang binuksan ang Dancing Fountain sa Narvacan, Ilocos Sur, noong Abril 28, 2022.

Mismong si Narvacan Mayor Luis Chavit Singson ang nanguna sa pagpapasinaya sa nasabing pagbubukas na dinaluhan din nina Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India, Architect Richelle Louise Singson-Michael, Ilocos Sur Vice-Governor Jerry Singson at iba pang mga lokal na opisyal ng nasabing bayan.

Dumagsa rin ang mga tao mula sa iba’t ibang bayan ng Ilocos Sur maging ang mga taga-Abra na karatig-probinsiya upang saksihan ang pagbubukas ng nasabing Dancing Fountain.

Sa mensahe ni Mayor Singson, layon ng pagbubukas ng Dancing Fountain na makadagdag sa turismo sa Bayan ng Narvacan.

Ito ay mayroong magkakaibang kulay ng ilaw kung saan ang bawat paglabas ng tubig ay sinasabayan ng iba’t ibang saliw ng musika.

Patuloy namang pinapanatili ng Narvacan PNP ang kapayapaan at seguridad ng mga taong dumarayo sa nasabing lugar para sa kanilang kaligtasan.

Sources: IAC Ilocandia and Narvacan Municipal Police Station

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles