17.4 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

Dalawang menor de edad na nalunod sa Cagayan, natagpuan na

Cagayan – Natagpuan na ang katawan ng dalawang menor de edad na lalaki na nalunod sa ilog sa bayan ng Abulug, Cagayan noong Sabado, ika-3 ng Hunyo 2023.

Kinilala ang mga nasawi na sina Aldrin Jake Cabalang at Jakevie Balbas kapwa 16 anyos na residente sa Barangay Simayung sa nasabing bayan.

Ayon kay Georgina Tabor, Head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Abulug, pasado alas 12:00 ng tanghali noong araw ng Sabado nang magkayayaan ang dalawang biktima kasama ang isa pa nilang kaibigan na maligo sa nasabing ilog.

Habang naliligo, napunta umano sa malalim na bahagi ng ilog ang dalawa at tinangay sila ng malakas na agos.

Dagdag pa nito, sinubukang tulungan ng isa nilang kasamahan ang dalawa gamit ang isang kawayan na iniaabot at kakapitan sana ng mga kaibigan ngunit bigo nitong gawin.

Aniya, pasado alas 2:00 ng hapon na ng nasabing araw nang ipagbigay alam ng naiwang kaibigan ang pangyayari at agad naman silang nagsagawa ng search and rescue operation katuwang ang kapulisan, Philippine Coast Guard (PCG) at Task Force Lingkod Cagayan (TFLC).

Nakita ang walang buhay na katawan ni Balbas pasado ala 1:00 noong Hunyo 04, habang narekober naman ang katawan ni Cabalang ng alas 5:00 ng hapon.

Sa ngayon, ang dalawang biktima ay naihatid na sa kani-kanilang pamilya.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles