Dalawang magkasunod na sunog ang nangyari sa magkahiwalay na barangay sa Baguio City nito laamang ika-10 at 11 ng Disyembre 2024.
Batay sa ulat, unang naganap ang sunog bandang 7:00 ng umaga noong Miyerkules, ika-10 ng Disyembre sa Country Club Village. Sumunod naman ang na natupok ng apoy ang mga kabahayan bandang 6:00 ng umaga noong ika-12 sa Magsaysay Avenue, Baguio City.
Agarang responde ang tugon ng mga tauhan ng Baguio Fire Station at iba pang boluntaryo para puksain ang apoy habang nagtungo rin si Mayor Benjamin Magalong, sa mga lugar upang personal na makita ang sitwasyon at tumulong sa mga biktima ng nasabing pagsunog.
Samantala, walang naiulat na nasawi sa mga nasabing sunog ngunit tinutukoy pa ng mga awtoridad ang halaga ng mga pinsala at sanhi ng mga sunog.
Patuloy naman naman ang paalala ng mga otoridad at ang Pamahalaan ng Baguio City na alalahanin ang mga fire precautionary measure upang maiwasan ang ganitong pangyayari.