15.2 C
Baguio City
Saturday, November 2, 2024
spot_img

Dalawang dating miyembro ng teroristang grupo, sumuko sa Cagayan PNP at 77IB

Sumuko ang dalawang dating kasapi ng teroristang grupo sa pamunuan ng Cagayan PNP at 77th Infantrty Battalion, Philippine Army nitong Abril 19, 2023.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga sumuko na sina alyas Ka Harry at alyas Ka Lisa. Sa kanilang pahayag ay sinabi ng dalawa na kahirapan at gutom sa loob ng kilusan dahil sa mas pinaigting na kampanya ng kasundaluhan at kapulisan ang nag-udyok sa kanila upang magbalik-loob na sa pamahalaan.

Kasabay ng ginawa nilang pagbabalik-loob ay isinuko din nila ang ilang mga gamit kabilang dito ang isang M203 Grenade launcher, dalawang homemade gun, limang M203 cartridge, assorted na bala ng baril, medical paraphernalia, mga gamit pang-komunikasyon at mga ilang mahahalagang dokumento sa loob ng kilusan.

Samantala, positibo si Colonel Ferdinand Melchor C Dela Cruz, Commander ng 501st Infantry (Valiant) Brigade na malapit ng matapos ang laban kontra insurhensiya. Dagdag pa niya, patuloy pa rin ang isinasagawang focused military operations ng kasundaluhan sa nasasakupan ng 501st Infantry Brigade.

Ayon naman kay Police Colonel Julio S Gorospe Jr., Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, handa ang kapulisan na makiisa sa lahat ng pagkakataon upang isulong ang kapayapaan sa lambak ng Cagayan.

Sa kasalukuyan, nasa pangagalaga ng 501st Infantry Brigade sina Ka Harry at Ka Lisa para sa agarang tulong, debriefing, at pangangalaga ng kanilang kalusugan habang pinoproseso pa ang kanilang dokumento para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) firearms remuneration.

Source: 501st Infantry Brigade

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles