Nakatanggap ng tig-100K na tseke mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region II ang dalawang centenarians mula Piat at Tuguegarao City, Cagayan nitong Miyerkules, Abril 12, 2023.
Bahagi ang aktibidad ng Centenarian Program ng pamahalaan na nakapaloob sa Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016 kung saan ang bawat Pilipino na nakatira dito sa Pilipinas o sa ibang bansa na maaabot ang edad 100 ay makakatanggap ng Letter of Felicitation mula sa Presidente at “centenarian gift” na nagkakahalaga ng Php100,000.
Masaya at buong pasasalamat na tinanggap nina Cristina J. Trinidad mula Piat, Cagayan at Laura Delgado Balao mula Tuguegarao City, Cagayan ang kanilang benepisyo mula sa pamahalaan.
Samantala, binasa naman ng Centenarian Program Focal Person ng DSWD FO2, Wilma B. Asistores ang felicitation letter mula kay President Ferdinand Marcos Jr kung saan pinasalamatan niya ang mga ito sa kanilang naging kontribusyon sa bansa.
Source: DSWD Region II