23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Dalawang araw ng YSL, nilahukan ng mga mag-aaral sa Lasam, Cagayan

Aktibong nakiisa at nakilahok ang 50 na mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng Lasam, Cagayan sa isinagawang dalawang araw na Youth Leadership Summit (YLS) na nagtapos nitong Agosto 11, 2023 sa Alannay Elementary School, Lasam, Cagayan.

Sa pangunguna ng Local Youth Development Council ng Lokal na Pamahalaan ng Lasam, Cagayan katuwang ang 17th Infantry (Do or Die) Battalion ay matagumpay na nabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral partikular na sa usaping insurhensiya sa kanilang mga Barangay.

Sentro sa nasabing aktibidad ang pagbibigay ng iba’t ibang aral gaya na lamang ng Teenage Pregnancy, Illegal Drugs, The Role of Youth in Environmental Protection, Spiritual Enhancement, Anti-Terrorism, Emotional Mental Health Challenges at Team Building Activity.

Ayon kay Jerwin Manuel, SK Federation President, “Let us become the strength our nation needs and not to become the problem that needs to be solved. Tayo ang maghahanap ng kasagutan sa mga problema, hindi yung tayo mismo ang problema,”

Sinabi naman ni 1Lt John Garel Cunan, Delta Company Commanding Officer ng 17IB, isinasagawa ang YLS upang magbigay ng karagdagang aral sa mga kabataan sa mga programa ng LGU at iba’t ibang isyu ng lipunan na karaniwang nasasangkot ang mga kabataan.

Sa panig naman ni Lasam Vice Mayor Randy Cambe, sinabi nito na mahalaga ang pagsasagawa ng mga youth summit para magkaroon ng oportunidad ang mga kabataan na matuto bilang mga “future leaders”.

Pinapakita lamang ito na ang kasundaluhan at lokal na pamahalaan ay nagkakaisa sa adhikaing mabigyan ng tamang pagsasanay at sapat na kaalaman ang mga kabataang mag-aaral upang mailayo sila sa banta ng terorista na ang layunin ay hikayatin silang pumasok sa armadong kilusan at tuluyang lumaban sa pamahalaan.

Source: 5ID Infantry Division PA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles