20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Dalawang Kumunistang Terorista sumuko sa Isabela

Tuluyan ng nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa lalawigan ng Isabela.

Boluntaryong sumuko sina alyas Olga, 49 taong gulang at residente ng Sitio Caunayan Brgy. Old, San Mariano, Isabela at alyas Charlie, 48 taong gulang at residente ng Sitio Andarayan, Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela.
Sumuko ang mga ito dahil sa pakikipagtulungan ng komunidad at ng isang dating rebelde na nagbalik-loob na din sa pamahalaan na nagngangalang alyas “MAKMAK”.

Ang pagsuko ng nasabing myembro sa kapulisan at pagbabalik-loob sa gobyerno ay dahil sa pagsasanib pwersa ng mga tauhan ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jeffrey D Raposas, Isabela Provincial Intelligence Unit, San Mariano MPS, Crime Investigation and Detection Group, Isabela Provincial Field Unit, 201st Maneuver Company ng Mobile Force Batallion 2 at Regional Intelligence Unit 2 sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Colonel Julio R Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office at sa pakikipagtulungan ng 86th Infantry Battalion at 95th Infantry Battalion, 502nd Brigade, 5th Infantry Division, Philippine Army.

Samantala, isiniwalat ng mga sumuko ang iba’t-ibang pagsasanay na kanilang dinaluhan, mga nilahukang opensiba ng military, at maging ang kanilang mga katungkulan sa loon ng kilusan.

Isinuko din ni alyas Olga ang dalawang (2) yunit ng Improvised Explosive Devices na binigay ni ayas Ayang noong taong 2004 pagkatapos nitong nanumpa bilang ganap na kasapi ng militiang Bayan.

Nahikayat na sumuko ang mga nasabing kasapi ng teroristang grupo dahil sa tuloy-tuloy na pagsasagawa ng iba’t-ibang magagandang programa sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Patuloy naman ang Pambansang Pulisya, militar at ibat-ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapaigting laban sa teroristang grupo upang tuluyan ng masugpo ang problema dulot ng insurhensya dito sa bansa.

source: 1st PMFC, Isabela

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles