Umabot sa 126 kabalen vendors mula sa iba’t ibang bayan ang nabiyayaan ng dagdag pangkabuhayan mula sa DOLE sa lalawigan ng Pampanga nito lamang ika-8 ng Abril 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga.
Iba’t ibang livelihood grants ang ipinamahagi sa mga vendor—mula sa simpleng paglalako ng balot, banana at camote cue, binatog, street food, lutong ulam, sa malamig, burger, merienda, hanggang sa ihaw-ihaw at talipapa.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng mga gamit, sangkap, at paninda na may halagang mula ₱10,000 hanggang ₱30,000.
Layunin ng programa na ito ng DOLE na matulungan ang mga maliliit na negosyo na may potensyal na lumago at umunlad sa tulong ng mga programang handog ng pamahalaan.
