13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

DA-Cordillera namahagi ng pinansyal na tulong sa Baguio City

Namahagi ang Department of Agriculture-Cordillera ng Financial Assistance sa mga magsasaka at mangingisida sa Baguio City, nito lamang Hunyo 28, 2022.

Mismong si William Dar, Secretary ng Department of Agriculture kasama ang Regional Executive Director of Department of Agriculture-Cordillera na si Cameron Odsey ang nag turn-over ng cash assistance and interventions sa mga magsasaka at mangingisda na ginanap sa DA-CAR sa Baguio City.

Ang pinamigay na cash assistance ay nagkakahalaga ng Php5,000 sa mga kwalipikadong mga magsasaka sa ilalim ng Rice Farmer’s Financial Assistance (RFFA) na pinamigay sa 90,000 na magsasaka na may badyet na nagkakahalaga ng Php450,000,000.

Samantala, ang pinamahagi naman sa mga karapat-dapat na magsasaka ay mais at sa mangingisda ay Php3,000 Cash Assistance sa ilalim ng Fuel Sudsidy Program na pinamigay sa 18,000 benepisyaryo na may badyet na Php504,000,000.

Bukod dito, ang kwalipikadong Civil Service Organization/Farmer Cooperative and association ay binigyan naman ng Php505,000,000 cash assistance sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion Program na may badyet na Php167,000,000.

Ipinagkaloob naman ng kadiwa ni Ani at Kita ang tulong pinansyal para sa pagkuha ng mga delivery Vehicle and Construction of Consolidating Facility na nagkakahalaga ng Php4,009,000 at Market Assistance na nagkakahalaga ng Php1,500,000 sa ilalim ng Young Farmers Challenge Program.

Source: Pia Cordillera

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles