Nagsagawa ang Department of Agriculture –Cordillera, Regulatory Division-Livestock Program ng technical review ukol sa paghahanda ng mga liquidation report para sa mga benepisyaryo ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program sa rehiyon Cordillera sa Lungsod ng Baguio noong Setyembre 12, 2024.
Ang aktibidad ay dinaluhan nina Gng. Marlyn C. Tejero, ang Regulatory Division Chief, Dr. Kevin Jim Luna, ang Regional Livestock Coordinator ng Cordillera at iba pang mga pangunahing tauhan na sumama at tumulong sa technical review na sina Regional Agricultural and Fishery Council Chairperson G. Ryan Palunan, APCO Kalinga G. Jr. Balag-ey Claver, APCO Apayao Dr. Raponcel Saguilot, APCO Mountain Province G. Pedro Pinos-an, Gng. Daisy Yogyog mula sa APCO Ifugao, G. Cerilo Batan mula sa APCO Benguet, at mga kinatawan mula sa mga Provincial Veterinary Offices.
Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 21 Farmer Cooperatives and Associations (FCA) na benepisyaryo ng INSPIRE mula sa anim na lalawigan ng rehiyon. Sa pagbubukas ng programa, tinalakay ni G. Frenzel Atuan mula sa Accounting Office ng DA-CAR ang proseso ng paghahanda ng liquidation report, kabilang ang mga dokumentaryong kinakailangan na nakasaad sa COA Circular 2012-01. Si G. Jayve P. Canor, ang Regional Livestock Report Officer, ay nagbahagi ng mga kinakailangan at mga template upang gabayan ang mga benepisyaryo sa kanilang liquidation reports.
Layunin ng aktibidad na palawigin pa ang kaalaman ng mga benepisyaryo partikular sa paggamit ng pondo, paghahanda ng liquidation reports at mga posibleng estratehiya sa marketing para sa mga Farmer Cooperatives and Associations.