13.2 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

DA-BFAR 2 nakiisa sa ika-59th Fish Conservation Week at Mana Mo

Nakiisa ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) 2 sa pagdiriwang nang ika-59th Fish Conservation Week at Maritime and Archipelagic Awareness Month (Mana Mo) sa pagbubukas nito ngayong ika-12 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ang isang linggong kasiyahan ay binuksan sa pamamagitan ng isang masayang paglalakad sa palibot ng Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City.

Naka-angkla sa temang “Pagkain ng Bansa Siguruhin, Likas Kayang Produksyon ng Isda Isulong Natin”, na pinangunahan ni Regional Director Angel B. Encarnacion at kasama ang mga contenders para sa “FISHIONISTA” Creative Costume Contest at DA-BFAR 2 workforce.

Bubuksan sa publiko ang “Our Seafood Kadiwa ni Ani at Kita” outlet kung saan ipapakita ang iba’t ibang palaisdaan at aquatic commodities simula ngayong Setyembre 12-16, 2022.

Hinihikayat ng buong opisyal ng Kagawaran ang lahat na maging bahagi ng taunang aktibidad na may adbokasiyang pukawin ang kamalayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating mga pangisdaan at yamang tubig.

Source: DA-BFAR 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles