13.8 C
Baguio City
Thursday, January 23, 2025
spot_img

CVCHD, nagsagawa ng orientation sa kampanya sa nationwide immunization laban sa tigdas, rubella, at polio

Nagsagawa ng orientation sa nalalapit na nationwide na kampanya sa pagbabakuna laban sa tigdas, rubella, at polio ang Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) sa pakikipagtulungan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO-Isabela) noong Marso 7, 2023 sa Japi Travelers Hotel, Cauayan City.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga vaccine coordinators at data managers na kumakatawan sa 39 municipal/city health units sa lalawigan ng Isabela.

Sa pahayag ni Dr. Marichu Manlongat ng Integrated Provincial Health Office ng Isabela, sa nakalipas na 5 taon nasa humigit kumulang 3 milyong mga batang Pilipino ang inaasahang magiging madaling kapitan sa mga sakit na maiiwasan sa bakuna bilang resulta ng mababang rate ng pagbabakuna sa buong bansa dahil sa naging priyoridad ang pagbabakuna sa COVID-19 at iba pang sanhi at kadahilanan.

Ang Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan sa mga LGU, ay ilulunsad ang nationwide measles, rubella, at polio supplemental immunization activity (MR OPV SIA) sa darating na Mayo 1 hanggang 31, 2023.

Target ng DOH ang hindi bababa sa 95 porsiyento ng mga karapat-dapat na bata sa Pilipinas para sa Tigdas at Rubella (MR) para sa mga batang 9 hanggang 59 na buwan, at Oral Polio Vaccine (OPV) para sa mga sanggol at bata 0 hanggang 59 na buwan.

“Upang palakasin ang pagsisikap na ito, dapat nating itatag ang ating mga outreach services, i-maximize ang ating mga resources, pag-aralan ang ating data para sa maayos at agarang aksyon, at palakasin ang ating mga ugnayan sa pagitan ng ating komunidad, ating mga katuwang at mga stakeholder,” pagtatapos ni Manlongat.

Hinimok ng CVCHD at IPHO ang mga LGU, health worker at media partners na suportahan ang MR OPV SIA sa pamamagitan ng pagsusulong ng Chikiting Ligtas campaign materials tulad ng streamers, posters, tricycle tarps, social media cards at jingle para protektahan ang mga bata mula sa mga sakit na naiiwasan sa bakuna.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles