Matagumpay na isinagawa ang Cultural Mapping Project ng LGU Tuguegarao City matapos ang limang araw na Training-Workshop na pinangasiwaan ng City Tourism Office (CTO), katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na ginanap sa Hotel Ivory, Buntun Highway, Tuguegarao City nitong ika 8 hanggang 12 ng Mayo 2023.
Ang nasabing proyekto ay dinaluhan ng ilang kawani at department heads ng LGU Tuguegarao City CDRRMO Head Ms. Ma. Soledad Sapp, City Budget Officer Ms. Potenciana Campos, CENRO OIC Mr. Marcelino Gumabay, mga Barangay Officials, mga guro mula sa akademya, at mga kinatawan ng lokal na sektor ng turismo at kultura.
Kaugnay nito, nagpasalamat si City Tourism Officer Ms. Gina Adducul sa mga kinatawan mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa kanilang suporta sa naturang proyekto.
Ang Cultural Mapping Project ay naglalayong magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga ang mga mamamayan ng Tuguegarao City sa kanilang kultura at mga hindi mahawakang pamanang kultural, kung saan sa pamamagitan nito, inaasahang makabubuo ng mga programa at proyekto na magtataguyod at magpapalaganap ng kanilang natatanging kultura at mga tradisyon.
Source: Tuguegarao City Information Office