13.9 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

CTG member na eksperto sa paggawa ng kagamitang pampasabog sumuko sa gobyerno ng Nueva Ecija

Sumuko sa gobyerno ng Nueva Ecija ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group na eksperto sa paggawa ng kagamitang pampasabog sa Camp Gatan, San Jose, Nueva Ecija nito lamang ika-22 ng Hunyo 2022.

Kinilala ang sumuko sa alyas na “Ka Wing”, lalaki, 34, dating kabilang sa Larangan Gerilya sa Patag 1 (LGP 1)”.

Kasabay nito ay ang pagsuko din niya ng dalawang Improvised Explosive Device, 20 metrong detonating cord at 500ml botelya na naglalaman ng 125 ml na phosphorus black powder.

Sumuko si Ka Wing sa 84th Infantry (Victorious) Battalion, 7ID, Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Enrico Gil Ileto, Commanding Officer.

Ayon kay Ka Wing, sumuko siya sa gobyerno dahil napagtanto niya na siya’y nililinlang lamang ng makakaliwang grupo.

Siya’y ginamit at pinangakuang mabibigyan ng lupain nung siya ay nirekrut.

Hinikayat naman ni LtCol Ileto sa mga natitirang miyembro ng CTG na abandonahin na ang organisasyon at pakinabangan ang mga programa ng gobyerno tulad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para mamuhay ng maayos at tahimik kapiling ang pamilya.

Samantala, pinuri naman ni Major General Andrew D Costelo PA, Commander of 7th Infantry (Kaugnay) Division sa matagumpay na pagpapatupad ng NTF-ELCAC.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles