Nagsimula nang mamahagi ng mga Family Food Packs ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office ng LGU Tuguegarao City sa mga evacuees na nasa mga evacuation center dahil sa bagyong “Egay”.
Ngayong umaga ay nagtungo ang mga ito sa Barangay Hall ng Leonarda, kung saan may naitalang isang pamilya ang nag-evacuate dito.
Una rito, nakapag-prepositioning na ng nasa 310 Family Food Packs ang CSWDO simula pa noong July 25, 2023 sa iba’t ibang flood prone barangays sa Eastern at Northern barangay ng Lungsod.
Bukod dito, namahagi na rin sila ng Family Food Packs, kasama sina City Mayor Maila Ting-Que, City Councilor Ronald Ortiz at City Councilor Mark Angelo Dayag sa 24 na mga pamilya na nakatira sa mga bahay na gawa sa salvaged/light materials, kung saan tinukoy ng nasabing tanggapan ang mga ito na maging prospect o may posibilidad na maging benepisyaryo ng Bahayanihan Program.
Source: Tuguegarao City Information Office