14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

CPAFFC President, binisita ang Cagayan

Masayang sinalubong ang pagdating ni Ambassador Yang Wanming, President ng Chinese People’s Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC) at ng kanyang mga kasamahan sa kanilang pagbisita sa Kapitolyo ng Cagayan na matatagpuan sa lungsod ng Tuguegarao noong ika-16 ng Disyembre 2023.

Mainit na tinanggap ng Unang Ginang ng lalawigan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba bilang kinatawan ni Gobernador Manuel Mamba, Mayor William Mamba ng Tuao, mga Department Head ng Kapitolyo at consultant, Board Member Romeo Garcia at Rodrigo De Asis ang pagdating ng delegasyon ni President Yang.

Isang welcome program ang inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at pinasyalan din ng grupo ang Callao Cave Eco-Tourism Zone sa bayan ng Peñablanca, Cagayan at bibisitahin din ang Cagayan Museum and Historical Research Center na matatagpuan sa lungsod ng Tuguegarao.

Ang pagbisita ay bahagi ng kanilang layuning payabungin ang pagkakaibigan at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Chinese sa mga banyagang bansa at lugar katulad ng Cagayan.

SOURCE: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles