17.6 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

Corn Farmers sa Cagayan, nakatanggap ng Fuel Discount Vouchers mula sa Department of Agriculture

Nakatanggap ang mga eligible corn farmers mula sa Cagayan ng kanilang Fuel Discount Vouchers mula sa Department of Agriculture (DA) nitong ika-27 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Acusillan, Tuao East, Cagayan.

Sa 615 na magsasaka, nasa 341 ay mula sa Tuao, 97 sa Piat, 96 sa Sto Nino, at 81 naman mula sa bayan ng Rizal ang nakatanggap ng kani-kanilang fuel subsidy cards.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga Lokal na Pamahalaan ng mga nabanggit na bayan sa tulong na ito para sa mga magsasaka. Anila, talagang may malasakit ang ahensya sa mga magsasaka.

Samantala, sinabi naman ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo, Regional Technical Director (RTD) for Operations and Extensions sa kanyang mensahe na masaya ang buong kagawaran na maibahagi ang mga Fuel Discount Voucher sa mga magsasaka.

Source: Department of Agriculture Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles