13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Corn Byproducts Utilization: Processing Corn Husk into Novelty Items, isinagawa sa Pangasinan

Noong Agosto 13-16, 2024 ay matagumpay na isinagawa ang Barangay-Based Skills Training on Corn Byproducts Utilization: Processing Corn Husk into Novelty Items sa Sanlibo Covered Court, Barangay Sanlibo, Bayambang, Pangasinan.

Ang nasabing pagsasanay ay dinaluhan ng 30 corn farmers, kanilang mga asawa, at mga miyembro ng 4Ps mula sa mga barangay ng Ligue at Sanlibo.

Ang layunin ng training na ito ay bigyang kaalaman ang mga lokal na magsasaka at kanilang pamilya sa mga makabagong paraan ng paggamit sa corn husk, isang byproduct ng corn farming na kadalasang itinatapon o sinusunog lamang.

Ang pagsasanay ay pinangunahan nina Jovita Macaraeg at Mary Jane Catchillar mula sa Heart and Soil Farm School Inc., na nagturo ng mga makabago at kapaki-pakinabang na pamamaraan sa pagproseso ng corn husk upang maging mga bag at iba pang novelty items.

Ang kaalaman at kasanayan na ibinigay ng mga eksperto ay hindi lamang nagbigay solusyon sa problema ng waste management kundi nagbukas din ng bagong pagkakataon para sa kabuhayan ng mga kalahok.

Ang ganitong inisyatiba ay isang hakbang patungo sa mas makatawid na pag-unlad sa kanayunan, na umaayon sa pangitain ng Bagong Pilipinas. Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, ang bansa ay hindi lamang nagpo-promote ng sustainability sa agrikultura kundi nagbibigay din ng pagkakataon sa mga lokal na komunidad na mapalakas ang kanilang kabuhayan sa mga makabago at makabuluhang paraan.

Source: Balon Bayambang

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles