17.9 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

Cordilleran nagwagi bilang 1st Runner Up sa Mister and Miss Culture Global 2023

Itinanghal bilang 1st Runner-Up ang isang Cordilleran sa katatapos lamang na Mister and Miss Cultural Global 2023 Grand Final Night na ginanap sa Jakarta, Indonesia nito lamang Hunyo 2, 2023.

Siya ay si Jeremiah Bugtong mula sa Kabayan, Benguet kung saan nakuha rin niya ang Mr. Popularity Award sa naturang pageant.

Si Bugtong ang kinatawan ng Northern Philippines sa nasabing pageantry kasama niya si Jamie Guinsiman na mula rin sa Kabayan, Benguet na kapwa naging Mr. Benguet-Nature at Ms. Benguet-Youth noong Nobyembre 2022.

Samantala, si Guinsiman naman ay nakakuha ng dalawang major awards: ang Best in Evening Gown at Best in National Costume.

Lubos na pasasalamat naman ang naging pahayag nina Bugtong at Guinsiman sa lahat ng nagpakita at nagbigay ng suporta sa kanila.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles