13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Cordilleran Fighter, nagwagi sa One Friday Fights sa Bangkok, Thailand

Nakamit ng Cordilleran fighter na si Carlo Von Bumina-ang ng Team Lakay ang tagumpay laban kay Iranian wrestler na si Reza Saedi sa unang laban ng ONE Friday Fights 27 na ginanap sa Lumpinee Boxing Stadium, Bangkok, Thailand noong ika-4 ng Agosto 2023.

Ang boksingero na tubong Baguio ay walang sinayang na oras, na nagresulta sa kanyang pagkapanalo sa pamamagitan ng mabilis na pag-knockout sa kanyang kalaban.

Sa kanyang kahanga-hangang pagpapakita ng kasanayan at determinasyon, ibinato ni Bumina-ang ang isang malakas na suntok gamit ang kanyang kaliwang kamay at sinundan ito ng mas mabibigat na suntok na nagresulta sa pagpapatigil ng referee sa laban sa loob ng 52 segundo lamang sa unang round.

Lubos naman ang naging kasiyahan ni Bumina-ang kung saan nagpahayag siya ng kanyang pasasalamat, “Napakasarap ng pakiramdam na ito. First time ko ito dito at ang mga tao dito ay napakabait. Masaya ako dahil nakuha ko ang panalo sa pamamagitan ng knockout,” saad niya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles