16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Coordination Meeting para sa Road Clearing Operation sa Cagayan, isinagawa

Nagsagawa ng coordination meeting para sa road clearing operation sa mga pangunahing lansangan sa probinsya ng Cagayan noong ika-2 ng Pebrero 2023.

Dumalo sa naturang pagpupulong ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Task Force Lingkod Cagayan at ilang kawani ng kapitolyo.

Ayon kay Rueli Rapsing, Officer-In-Charge ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na siyang nanguna sa nasabing pagpupulong, malaking tulong ito upang mapanatili ang magandang daloy ng trapiko sa probinsya.

Aniya, mahigpit ang kanilang magiging koordinasyon sa mga Local Government Unit (LGU) sa lalawigan na magiging katuwang para maipatupad ng maayos at mapayapa ang hangarin na maiwasan ang mabigat na trapiko lalo na sa lungsod ng Tuguegarao.

Nangako rin umano ang Provincial Engineering Office (PEO) na kasama rin sa nasabing pagpupulong na makikipag-ugnayan sa mga Municipal EO para sa road clearing operation.

Sinabi ni Rapsing na ang hakbang na ito ay isang paraan para mas mahikayat pa ang mga turista na nais bumisita sa mga pook pasyalan na maging ang mga nais magpatayo ng negosyo sa lalawigan upang hindi maging sagabal para sa kanila ang mabigat na daloy ng trapiko.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles