Nagsagawa ang Municipal Task Force- End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng Community Support Program at Serbisyo Caravan sa Guina-ang, Pasil, Kalinga nito lamang Marso 8, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng MTF-ELCAC sa pamumuno ni Mayor Alfredo “Chao-ig” Malannag Jr. kasama ang PNP, BJMP, Treasury, DILG, TESDA, DOLE, Phippine Army, BFP at iba pang mga government agencies.
Ang nasabing grupo ay nag-abot ng libreng tulong mula sa mga residente ng naturang lugar tulad ng Medical Consultaion, Libreng Tuli, Gupit, Bloodletting, Dental Extraction at Laboratory test.
Layunin ng aktibidad na matugunan ang mga suliraning sosyo-ekonomiko sa lokalidad sa pamamagitan ng simpleng pagtulong ng iba’t ibang grupo mula sa gobyerno.