16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Community Outreach Program isinagawa sa Gen. Tinio, Nueva Ecija

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang CLUBi YSMX Philippines Incorporated, Nueva Ecija Chapter katuwang ang 84th Infantry (Victorious) Battalion at Philippine Academy of Family Physicians (PAFP) Incorporated sa Sitio Bulak, Brgy. Rio Chico, Gen Tinio, Nueva Ecija noong ika-3 ng Hulyo 2022.

Ang aktibidad ay may temang “We Ride, We Care, We Share” na layuning ipaabot sa mga geographically isolated community ang libreng konsulta, magpamahagi ng gamot at hygiene kits.

Higit 150 na pamilya na kabilang sa tribo ng Dumagat ang naging benepisyaryo ng aktibidad kung saan nakatanggap din sila ng mga food packs.

Dagdag pa sa serbisyong ipinaabot ang libreng gupit at feeding program.

Nagkaroon din ng Information Awareness Drive na pinangunahan naman ni 1st Lieutenant Junberth N Ulan-Ulan, Company Commander ng Bravo Company, 84IB.

Natuon ang lektyur sa mga hakbang kung paano maging resilient IP Community at pagmumulat sa panlilinlang at pagsasamantala ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa mga katutubo.

Samantala, siniguro naman ni Lieutenant Colonel Enrico Gil C Ileto, Commanding Officer ng 84IB na patuloy ang kanilang suporta sa mga ganitong aktibidad na makakatulong sa kababayang nasa laylayan ng lipunan.

Nagpahiwatig din ng pasasalamat si MGen Andrew D Costelo, Commander ng 7th Infantry (Kaugnay) Division sa nagpasimuno sa nasabing aktbidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles