Handog ng Local Government Unit ng San Jose City, Nueva Ecija ang Community Outreach Program sa mga residente ng Brgy. Culaylay nito lamang Biyernes, ika-24 ng Pebrero 2023.



Pinangunahan ito ni Hon. Mario Salvador, City Mayor at ni Hon. Alexis Salvador, Vice Mayor katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Nagkaroon ng libreng medical at dental check-up, pamimigay ng food packs at feeding program.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan.