13 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Community Guides Training, isinagawa ng Provincial Government of Cagayan (PGC) sa Calayan Island

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang Community Guides Training sa bayan ng Calayan noong Abril 1-7 2023.

Ang aktibidad ay naging makabuluhan sa pangunguna ng Cagayan Tourism Office para sa iba’t ibang stakeholders.

Ang naturang pagsasanay ay nilahukan ng 29 na katao mula sa iba’t ibang barangay kabilang dito ay mga mangingisda, magsasaka, mga self-employed individuals, at ang ilan ay professionals.

Ayon kay Jenifer Junio-Baquiran, Cagayan Tourism Officer, ang aktibidad ay bahagi ng adhikain at plano ni Governor Manuel N. Mamba na gawing flagship world tourist destination ang lalawigan ng Calayan, ang nag-iisang Island municipality nito.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni Mayor Joseph Llopis kasama si Vice Mayor Edmund Escalante, SB members ng bayan, Barangay Captains, mga guro, LGU employees, at mga accommodation establishment at restaurant owners.

Layunin nito na mahasa ang mga kalahok na maging tour guides upang maging eligible na maging aplikante ang mga ito sa Department of Tourism (DOT) accreditation at maging opisyal na tour guides sa isla.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles