Maigting na ipinapatupad ng pulisya at sundalo ang COMELEC Checkpoint sa mga motoristang dumadaan sa Barangay San Pablo, Sta. Ana, Pampanga nito lamang Sabado, ika-28 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Sta. Ana Municipal Police Station katuwang ang 70 Infantry Battalion, 7th Infantry Division ng Philippine Army.

Masusing sinuri ang mga biyaherong pumapasok at lumalabas sa naturang lugar. Ang aktibidad ay kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan ngayong darating na Lunes, ika-30 ng Oktubre.
Sinisiguro ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na patuloy ang kanilang pagbabantay upang mapanatili ang payapa at maayos na Barangay at SK Elections 2023.