21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Colorum na van mula Metro Manila, timbog ng LTFRB sa Cagayan

Timbog ang isang van na ilegal na namamasada sa Anti-Colorum Operation na isinagawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 2 sa Bayo, Iguig, Cagayan nitong Hulyo 28, 2022.

Pinangunahan ang operasyon ni Ginoong Edward L. Cabase, Regional Director ng LTFRB RO2.

Galing ang naturang van sa Metro Manila at nakatakdang maghatid ng kanyang mga pasahero patungong Alcala, Gattaran, at Sta. Ana, Cagayan.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, mahigit Php12,000 ang kabuuang pamasahe na siningil ng driver mula sa 6 na mga pasahero nito.

Sa kasalukuyan, ang nahuling van ay nasa kustodiya ng LTFRB RO2 at ang mga pasahero nito ay ligtas na naihatid sa terminal ng mga lehitimong pampasaherong sasakyan.

Samantala, nagpaalala naman ang pamunuan ng LTFRB sa mga pasahero na sumakay lamang sa mga lehitimong pampublikong sasakyan upang maiwasan ang mga aberya sa kani-kanilang mga biyahe.

Dagdag pa nila, hindi nila kukunsintihin ang mga colorum na pumapasada at tiniyak na mahaharap sa kaukulang parusa ang sinumang mahuhuli.

Source: LTFRB Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles