Ipinamahagi ng LGU Tuguegarao City ang apat (4) na yunit ng mga brand new L300 closed van na magsisilbing mga patient transport vehicle sa apat na cluster barangays ng lungsod ng Tuguegarao noong Setyembre 25, 2023.
Pinangunahan mismo ni Mayor Maila Ting-Que ang pamamahagi ng mga nasabing sasakyan na itatalaga sa mga health center station ng Northern, Eastern, Western at Southern Baranggays ng Tuguegarao City.
Hangad ng pamunuan ng LGU Tuguegarao City na mas maagap na makapagresponde ang lokal na pamahalaan sa mga pangangailangang medikal ng mga mamamayan sa bawat cluster sector ng lungsod.
Ang bawat Patient Transport Vehicle ay naglalaman ng mga stretcher na magagamit sa pagsaklolo sa taong bayan at ang mga sasakyan ay fully air-conditioned.
Samantala, para sa higit na suporta ng LGU sa mga ganitong pangangailangang medikal ng mga kababayan sa Eastern Barangays ng lungsod at distansya nito sa Poblacion o Centro ng Tuguegarao City.
Minabuti ni Mayor Maila Ting-Que na italaga sa Eastern Barangays ang bagong ambulansyang ibinigay ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce Tuguegarao City.
Ang nasabing mga sasakyan ay pamamaraan ng LGU Tuguegarao City na mas makatugon sa mga pangangailangang medikal ng mamamayan ng lungsod ng Tuguegarao.
Source: CPIO